Isang button ang select na nagbubukas ng listahan ng mga opsyon. Bigyan ito ng options, isang array ng NuiOption, at i-bind ang [(value)], o ang [(values)] kapag may multiple. Gumagana rin ito sa Signal Forms, reactive forms at ngModel.
Puwedeng may group, description at keywords ang mga opsyon, at ginagawang tree ng children ang listahan. Kapag lampas 200 row, ang mga nakikitang row lang ang nire-render, kaya kasimbilis ng sampu ang pagbukas ng 100,000 opsyon.
Para mag-type at mag-filter, gamitin ang combobox.
Mga grupo
Nakalista sa ilalim ng heading ng grupo nila ang mga opsyon na may group. Kapag nag-type ng titik, tatalon ito sa susunod na opsyong nagsisimula sa titik na iyon.
Chosen: it. Type “s” to jump to Spain, again for Switzerland.
Marami nang sabay
Pinapanatiling bukas ng multiple ang listahan at bina-bind nito ang [(values)]. Nagdadagdag ang selectAll ng button na pumipili o nagki-clear ng lahat ng opsyon. Hindi mapipili ang mga naka-disable na opsyon.
2 toppings. The list stays open while you pick.
Tree
Bumubuo ng tree ang mga opsyong may children. Bumubukas ang listahan nang naka-expand ang mga folder ng napiling opsyon.
Chosen: website/pages. → opens a folder and ← closes it.
Mahahabang listahan
Bawat time zone, ayon sa rehiyon. Kapag lampas 200 row, ang mga nakikitang row lang ang nire-render, at nananatiling naka-render ang active na opsyon para sa mga screen reader.
About 400 options, but only the rows in view are rendered.